Maligayang Pagdating

Venzon Malubay

Biglang nagdiwang ang puso
Nang may dumating na isang anghel
Isang regalo
Habang-buhay ko na kayamanan

Ano man ang kailangan mo
Ay handa kong ibigay
Nandito lang kami palagi lagi-lagi
Hinding-hindi ka mag-iisa

Aalalayan kita 'di ka maliligaw
Mamahalin kita 'di kita bibitawan

Sumilong ka sa 'king anino
'Pag nadapa ka 'lika rito
Salamat sa mga ngiti mo

Maligayang pagdating
Dito sa buhay ko
Aalagaan kita
Hanggang sa matutunan mo

Kung pa'no ba
Tumayo lumipad at magmahal
Aalalayan kita
Hanggang sa 'king huling paghinga

Hanggang tumitibok ang puso ko
Ligtas kang makakapaglaro sa mundo
Gawin mo lang lahat ng iyong gusto
Hanggang sa matutunan mo

Ang tumayo at madapa
Malungkot at sumaya
Magmahal at masaktan
Lahat ng 'yan lahat ng 'yan

Mahigpit na yakap
Na sa 'min mo lang mahahanap
Sa 'kin lang sa 'min lang para sa 'yo
Baunin mo sa 'yong pagyapak sa mundo

Lagyan mo ng kulay
Hanapin mo malapit man o malayo ay
Nandito lang kami habang-buhay

Maligayang pagdating
Dito sa buhay ko (sa buhay ko)
Aalagaan kita (aalagaan kita)
Hanggang sa matutunan mo
Kung pa'no ba (kung pano ba)
Tumayo lumipad at magmahal (tumayo lumipad at magmahal)
Aalalayan kita
Hanggang sa 'king huling paghinga

Maligayang pagdating (oh)
Lahat ay kayang gawin (oh)
Basta para sa 'yo para sa 'yo para sa 'yo oh (oh oh)
Para sa 'yo para sa 'yo para sa 'yo (oh oh)
Para sa 'yo

Curiosités sur la chanson Maligayang Pagdating de Abaddon

Qui a composé la chanson “Maligayang Pagdating” de Abaddon?
La chanson “Maligayang Pagdating” de Abaddon a été composée par Venzon Malubay.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Abaddon

Autres artistes de Heavy metal music