Akin Ka

Jomuel John Casem, Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Rocel Dela Fuente, by Since 1999

Madalas mo man na ‘di maintindihan
At palagi kong tinatago
Ang tunay na nararamdaman

‘Di ka umalis at
‘Di ka nagsabing
Sawa ka na at ayaw mo na

Ang saya-saya mo kapag niyayakap kita
At ang pangitiin ka ‘di mahirap sinta
Lagi mong ipinapaalala sa akin
Madalas man akong mang-away
Ay mahal mo pa rin

At kahit na
Hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo
Akin ka, akin ka
‘Di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

Sandalan mo aking balikat
‘Pag nararamdaman mo na parang ang hirap
Maintindihan nitong kalagayan
Ang kasiyaha'y ikaw

Sa araw natin at gabi
Ang langit ang naging saksi
Sa oras ng mga ngiti
Ay ‘di na maikukubli

‘Di man laging mapakita
Sa ’yong kulang ako ‘pag wala ka, oh

At kahit na
Hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo
Akin ka, akin ka
‘Di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

‘Wag ka munang bibitaw
Dahil sinusulit ko ating sayaw
Sabay tayong gumagalaw
At mata mo’y natatanaw

Ang puso ko’y sumisigaw
Dati ay palagi nang giniginaw
Dahil sa ’yo, kaya gan’to
Yung mundo ko tanging ikaw

Kakayanin ko pa ba
Kung sakaling ako ay mag-iisa
Dahil ‘di ko kakayaning mawala
Ang isang katulad mo aking sinta

Dahil sa pagmamahal mo
‘Di magbabago
Asahan mo ako kapag kailangan mo

At kahit na
Hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo
Akin ka, akin ka
‘Di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

Pag-ibig mo na sa ’kin naipadama
Naririto para bigyan ng halaga
Kahit na minsan may pagkalito
Maging mahirap man asahan mo

Na ‘di mawawala sa ’yo
‘Pagkat nandyan ako
Makakasama mo

Mga tampo nawawala
Gumagaan, nadadala
Pagkasilay sa iyong ngiti
Na kailanma'y walang makahigit

‘Di hahayaang mawala ka
Kasi handa pang masamahan
Hanggang sa bukas natin
Na sabay haharapin

At kahit na
Hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo
Akin ka, akin ka
‘Di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

Curiosités sur la chanson Akin Ka de ALLMO$T

Qui a composé la chanson “Akin Ka” de ALLMO$T?
La chanson “Akin Ka” de ALLMO$T a été composée par Jomuel John Casem, Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Rocel Dela Fuente, by Since 1999.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] ALLMO$T

Autres artistes de Asiatic music