Wala Lang
[Verse 1]
Masaya, high sa buhay
Abot ko na ang langit, abot ang 'yong kamay
Wala sa isip kung ano'ng hinaharap
Nananabik makita, 'wag kang kukurap
Tumalon, sumayaw, sumigaw
Lakasan mo pa, dinig nila ang hiyaw
Lahat ng baon mong kaba'y itapon na
Hindi kailangan ng rason, 'wag magtaka
[Chorus]
Wala lang, wala lang (Walang sagot kung bakit)
Walang sagot kung bakit
Hindi ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong?
Pagtingala lumipas na ang panahon
[Verse 2]
Ang gaan ng paglaya
Sa alinlangang pambigat sa iyong paa
'Di bale na sila, 'di bale na'ng lahat
Isang ngiti, isang hakbang ang katapat
[Chorus]
Wala lang, wala lang (Walang sagot kung bakit)
Walang sagot kung bakit
Hindi ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong?
Pagtingala lumipas na ang panahon
[Instrumental]
[Bridge]
Kailangan ba ng dahilan
Kung bakit ka papunta diyan?
Ipunin mo na lang ang iyong lakas
Ikaw lang ang may hawak ng bukas
[Chorus]
Wala lang, wala lang
Walang sagot kung bakit
Hindi ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong?
Pagtingala lumipas na ang panahon
Wala lang, wala lang (Walang sagot kung bakit)
Walang sagot kung bakit
Hindi ko rin alam
Basta't alam mo kung ano ang gusto mo
Wala na dapat pang pipigil sa iyo