Alas Diyes

Adrian Garcia, Angela Ken Rojas

Alas-diyes na naman ng gabi,
kung saan-saan napapagawi
ang aking utak
Ako ba'y iyong hinahanap?

Hindi sa nagmamadali,
pero asan ka na ba?
Kaya ko naman ng mag-isa,
pero gusto ko sanang katabi ka na.


Pagod na mainggit sa
relasyon ng iba, kailan ba
darating sa puntong
mga luha sa unan ay di na makapa?


Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
tipong lahat isusugal at magtatagal
Oh, kailan ba? Kailan ba???
Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
hanggang kailan ba sasapitin ang
gabi-gabing walang lambing?


Alas-diyes na naman ng gabi
nangangarap na namang ika'y katabi.
Hinahawi ang aking buhok,
kailan ba ito magkakatotoo?

Hindi sa nag-mamadali,
pero kaya ko pa ba?
Na di masilayan ang yong ngiti,
at di mapisil ang yong pisngi


Pagod na mainggit sa
relasyon ng iba, kailan ba
darating sa puntong
wala nang gabing luluha pa???


Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
tipong lahat isusugal at magtatagal
Oh, kailan ba? Kailan ba???
Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
hanggang kailan ba sasapitin ang
gabi-gabing walang lambing?


Di maalis sa isip ang mga hiling
ang iyong lambing, halik, ako'y nananabik..
Giniginaw, gustong kayakap ay ikaw
gabi-gabi na lang ba???

Hindi naman sa di ko kayang mag-isa,
pero inaamin kong minsa'y nangungulila.
Ganito na lang ba hanggang mag-umaga???


Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
tipong lahat isusugal at magtatagal
Oh, kailan ba? Kailan ba???
Ohh, gusto ko lang mag-mahal,
hanggang kailan ba sasapitin ang
gabi-gabing walang lambing?


Pag dumating ka na, oh tangi, asahan mong ika'y
di na pakakawalan, oh mahal, ikaw lang (ikaw lang)

Pag dumating ka na, oh tangi, asahan mong ika'y
di na pakakawalan, oh mahal, ikaw lang (ikaw lang)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Angela Ken

Autres artistes de Asiatic music