AsaKaBwoii

Mark Anthony Parizal Cadiente

Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it killin' it

Can a hero give a little love
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love (yo)

'Di nila inaasahan na tatagal nang ganito (ah)
'Di huminto o nangalay parang mga kamay ng relo
Walang inaasahan nakakapit sa pinanghawakan
Sumaludo parang kapitan para sa isang kapitapitagan

Valenzuela bwoii hell yeah tabalado mga peste
Mga tunay lamang ang pwede sa sirkulo walang peke
Sa harap sa likod ng lente natural parang amat ko 'pag nasa ere
Hilahan pataas to syempre (uh)

Maraming pumupusta na ako ang matutusta
Pero sino ang naubos sa bumuga ng apoy sunog laman ng mga bulsa
Sinalo ang mga kutsa pero 'binalik ko sa kanilang mukha
Nilubog binaon pumalag at muling umangat na parang isang punla

Araw-araw ko lang sinipagan naaning sa 'king mga binitawan
Mga nasiraan ng bait kasi 'di matibag no'ng ako ay siniraan
'Di pinanghinaan lalo pang ginaganahan kapag pinipilit nila na tapakan
Iba't iba ang uri ng kasikatan nabilad 'to kaya 'to ginagalang may napatunayan

'Di umasa sa tsamba sa krus o kara o bahala na si Bathala
O tadhana tyinaga ng batang taga kwadra
Hanggang hahinog ang bunga nakapwesto malabo nang mapahinto pa
Kaya manawa ka sa itsura hanggang sa 'di mo na masikmura

Parang baliw kapag mag-isa musika lang ang nagpapatino
Minsan nakakabanas dahil nga ang tadhana palagi ay palabiro
Pero maraming hinugot na aral deskarte istilo sa pagkabigo
Ngayon kahit na mismong may ayaw sa akin nakaabang sa mga gagawin ko

Sa gera laging handa nasa aking kamay ang bandana
'Kababa na ang balaclava natutunan ka sa kalsada
'Yung iba may tira habang 'yung iba naman mayro'n lang kargada
Nagmistulang tingga 'yung tinta no'ng sinalinan na sa papel nagbabaga

Na parang ganja mapapalubog mo 'ko asa
Matalo mo 'ko may tyansa pero babalik parang karma
Sipag ko mala-Mamba palaging ganado alam 'yan ng masa
Kaya nga ako masagana ngayon sino'ng huling nakatawa haha

'Di ako nagmadali kinuha muna respeto bago salapi
No'ng nawalan ng paki mayro'n pala tayong sariling tama't mali
At kahit pa lumamig handa akong magmasid makulong at bumalik
Nang walang patid laging sabik na sa bagong lebel pumanhik

Madulas man o matalisod pa dahil sa balanse matagal maitumba
Tinanim nagkabunga at naipon na
Ngayon na ang panahon para malikom ah
Mga bibig ay napatikom bumubukas lang 'pag nakatalikod
Galit sila 'di na nila mabilog
Lipad ay matayog habang nasa kinton cloud

No'ng unang pumasok agad nambulabog at upang umabot papuntang tugatog
Nahulog bumangon naubos 'yung takot nawalan din kalaunan humakot
Kahit matandain limot ko 'yung pagod
Piniga 'yung ulo para mag-ingay parang bao kaya sulit 'yung kayod

Mulat na at 'di nangangapa hanggang madadala 'di madadala
Tatatak sa isip ng mga madla pamana na nagbunga sa pagkadapa
Nakahanda lagi lang nakakasa nakamarka dahil may pagmamahal
Kaya naman kung sa tingin mo 'di na 'to magtatagal o mawawala
AsakaBwoii

Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it killin' it

Can a hero give a little love
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love love

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Apekz

Autres artistes de Asian hip hop