Giliw

Giliw
Nasasaisip ka sa bawat huni ng ibon
Ihip ng hangin pagka't mahal kita
Wala ng ninanais kundi makapiling ka
Makasama ka sa bawat araw bawat gabi
Wala nang hiwalayan
Magkayakap sa bawat sandali
Magkayakap sa bawat sandali

Giliw
Naririnig mo ba ang damdamin kong ito
Na di na mapigil ang pagnanasa
Umaapaw pa rin
Ang laman ng puso ko
O giliw ko sa iyo'y walang hangganan
Walang katapusan wala ng hiwalayan
Tahimik at sa bawat sandali
Tahimik at sa bawat sandali

Naririnig mo ba (naririnig mo ba)
Nadarama mo ba (nadarama mo ba)

Giliw
Nasasaisip ka sa bawat buhos ng ulan
Tigang na puso ko'y nauuhaw sa'yo
Wala ng ninanais kundi ang makapiling ka
Makasama ka sa bawat araw bawat gabi wala ng hiwalayan
Magkayakap sa bawat sandali
Magkayakap sa bawat sandali
Magkayakap sa bawat sandali

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop