Kating-Kati At Di Mapakali

Kating-kati at di mapakali
Kanina pa nag-aabang dyan sa tabi
Hindi malaman ang gagawin
Parang tanga at di alam ang sasabihin

Tila tulalang gising na medyo lasing
O sana may dahilan agimat buong anting-anting
Upang di na maging mahiyain
Kapag kasama kita

Maraming tsopeng tulad ko
Hindi pa mulat sa takbo ng mundo
Sa kwarta ay laging kapos
Ngunit sa pagmamahal ay di nauubos

O sana naman ko'y iyong pagbigyan
At pagmamahal ko ay iyong matikman
Ngunit hanggang matuto ako
Pagpasensyahan sana

Sinasaulo'ng mga linya
Pati pandaigdigang pang-romansa
Ang natural inaaral pa
Sa sarili walang tiwala

Tinininiw niniw niniw
Tinininiw niniw niniwniw

Ngunit hanggang matuto ako
Pagpasensyahan sana

Sinasaulo'ng mga linya
Pati pandaigdigang pang-romansa
Ang natural inaaral pa
Sa sarili walang tiwala

Kating-kati at di mapakali
Kanina pa nag-aabang dyan sa tabi
Hindi malaman ang gagawin
Parang tanga at di alam ang sasabihin

Tila tulalang gising na medyo lasing
O sana may dahilan agimat buong anting-anting
Upang di na maging mahiyain
Kapag kasama kita

Kating-kati at di mapakali
Kapag kasama kita

Kapag kasama kita

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop