Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan

Jim Paredes, Joey Reyes

Hawak kong peryodiko na kung saan bawat tao
Makinilya lang ang halaga
S'yang tula ang sandata kung silang may tapang kumanta
Ang dating sinusumpa'y ginawa nang bida

Iniwan ang kapilya n'ya sa bundok s'ya ay nagtago na
Walang altar kung saan siya nagmisa
Nagsilabasan ang hantik pati bundok mukha'y inukit
Nagsayawan kami hanggang umaga

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Pati dagat 'pinatuyo ngunit nang templo'y gumuho
Kami'y napipi sa madugong ganda
Ngunit langit ay nagdilim nang kalapati'y paslangin
At sakali ang luha ay bumaha

Mula sa pula n'yang libro natuliro na lang si Pedro
Iniwan ang bukid at s'ya'y sumama
Sumabog ang entablado sinabayan ng delubyo
Binihag ang mga matatanda

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Pati ilaw sa gintong telon hinugis ng munting alon
Ngunit sabi ‘di 'yan ang totoo
May babaeng napaiyak at luha nami'y pumatak
Tuyo na ang kamay ng babaeng pilato

Nagpainom si Pandora ngunit tumutol ang iba
Kaya naghikab na lamang ang demonyo
Sinimulan sa kandila liwanag n'ya'y nakagiba
Nag-alsabalutan ang tatlumpung balo

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Bumalik na si Gabriela hindi itak ang dala n'ya
Kundi ulan may sinag na dilaw
Nakita ko sa may pintuan at s'ya'y napangiti lamang
Habang namulaklak ang bagong araw

Lahat sila'y nakatingin bitbit ng ibon ang sakitin
Nilunod ng sigaw ang aking awit
Pati sila'y sumayaw na rin sa sari-saring tugtugin
Ang awit palang ito'y likha namin

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Bumubuo ng aking kasaysayan

Curiosités sur la chanson Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan de APO Hiking Society

Quand la chanson “Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan” a-t-elle été lancée par APO Hiking Society?
La chanson Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan a été lancée en 1986, sur l’album “Direksyon”.
Qui a composé la chanson “Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan” de APO Hiking Society?
La chanson “Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan” de APO Hiking Society a été composée par Jim Paredes, Joey Reyes.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop