Lata Ang Aming Tambol

Boboy Garovillo, Jim Paredes, Danny Javier

Mistulang kawawa ang aming pangkat
Hindi man lang makabuo ng apat
Ngunit ang aming mga puso'y maligayang tunay
Pagkat si Hesus ay buhay na buhay

Buhay na buhay (buhay na buhay)
Dito si Hesus buhay si Hesus
Sa bawat puso namin at ninyo
Nating lahat

Maligayang pasko sa nakakarinig
Ang aming awit ay mula sa dibdib
Kahit paskong walang regalo ang hinaharap
Sa piling ni Hesus ang buhay ay masarap
Masarap masarap napakasarap
Talagang nalalasap
Sa piling ni Hesus ang buhay napakasarap
Sa piling ni Hesus

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

One more time

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Isa (dalawa tatlo)
Mistulang kawawa ang aming pangkat
Kahit na papa'no'y hindi sisikat
Ngunit ang aming mga puso'y maligayang tunay
Pagkat dito si Hesus ay buhay na buhay

Maligayang pasko sa nakakarinig
Ang aming awit ay mula sa dibdib
Kahit paskong walang regalo ang hinaharap
Sa piling ni Hesus ang buhay ay masarap
Masarap masarap napakasarap
Kung kayo'y magbibigay
Basta 'wag lang barya tayo'y hindi mag-aaway
Sayang ang laway

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara

Curiosités sur la chanson Lata Ang Aming Tambol de APO Hiking Society

Quand la chanson “Lata Ang Aming Tambol” a-t-elle été lancée par APO Hiking Society?
La chanson Lata Ang Aming Tambol a été lancée en 1991, sur l’album “Paskonapo”.
Qui a composé la chanson “Lata Ang Aming Tambol” de APO Hiking Society?
La chanson “Lata Ang Aming Tambol” de APO Hiking Society a été composée par Boboy Garovillo, Jim Paredes, Danny Javier.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop