Mamahalin Kita

Mayro'n akong pangako
Ibibigay lang sa 'yo
Sana'y iyong tandaan
Maririnig mo sa awiting ito
Kung papakinggan

Puso ko ang pinambalot
Pag-ibig ang siyang laman
Regalo kong nakalaan
Malalaman mo sa awiting ito
Kung papakinggan aking papasadahan

Mamahalin kita nang higit sa iyong naranasan
Babalutin ka sa yakap pupupugin ng halik
Mamahalin kita kung hindi mo aawatin
Mamahalin kita mamahalin kita

Ngayon narinig na ang awit
Damhin ang pagmamahal
Sana'y hindi magsasawa
Kung aking ulitin ang awit sa 'yo
Maari mong sabayan at ating papasadahan

Mamahalin kita nang higit sa iyong naranasan
Babalutin ka sa yakap pupupugin ng halik
Mamahalin kita kung hindi mo aawatin
Mamahalin kita
Mamahalin kita

Mamahalin kita
Mamahalin kita

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop