Syotang Pa-Class

Jim Paredes

Di ko pwedeng sakay sa jeepney
Sobrang usok at sikip
Pag nasa sine di mayakap
Laging merong sabit
Ganyan ang syota ko
Sobrang class ang kanyang trip

Pag kakwento niya ang nanay niya
Siya'y nag-iispanis
Pag kausap niya ay aso
Laging nag-iinglis
Ako'y naiinis na
Sa aking syotang burgis
Ang syota kong burgis minsan nang-iinis

Kahit ganyan siya ako'y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko minamahal ko siya
Sa aking barkada akong pinakasiga
Ngunit bumabait pag kasama ko sya

Sa pagkain siya'y pihikan
Di lang burger machine
Ang sundo niya sa eskwela
Laging naka-chedeng
Ganyan ang syota ko
Class na class ang kanyang trip

Kahit ganyan siya ako'y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko minamahal ko siya
Sa aking barkada akong pinakasiga
Ngunit bumabait pag kasama ko sya

Paminsan-minsan sa kagipitan
Ako'y kanyang nililibre
Susmariusep kapag humirit
Ako'y natuturete
Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class

Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class
Hindi maawat ang pagka-class
Hindi maawat ang pagka-class

Curiosités sur la chanson Syotang Pa-Class de APO Hiking Society

Sur quels albums la chanson “Syotang Pa-Class” a-t-elle été lancée par APO Hiking Society?
APO Hiking Society a lancé la chanson sur les albums “Mga Kuwento ng Apo” en 1990 et “The Best of APO Hiking Society, Volume 2” en 1991.
Qui a composé la chanson “Syotang Pa-Class” de APO Hiking Society?
La chanson “Syotang Pa-Class” de APO Hiking Society a été composée par Jim Paredes.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] APO Hiking Society

Autres artistes de Asian pop