Hiraya

Adielle Moreno, Genred Arceno, Markus Halili

Ang tela ng iyong kamiseta
Nagsisilbing init
Tuwing gabi na kaylamig
Sa bawat pagpatak na segundo
Matatamis na sandali
Sa aking alaala
Ang tangi kong hiling
Sana iyong dinggin
Kung aalipinin ng alaala
Ikaw ang pipiliing makasama
Kalangitan ay naniniwala
Mananatiling ikaw ang aking hiraya
Ang liham na sinulat sa kwaderno
Bawat salita ay musika
Sa aking pandinig
Kamay na humahaplos sa'king mukha
Hanggang ngayo'y nadarama
Sa tuwing mag-isa
Ang tangi kong hiling
Sana iyong dinggin
Kung aalipinin ng alaala
Ikaw ang pipiliing makasama
Kalangitan ay naniniwala
Mananatiling ikaw, mananatiling ikaw
Ang aking hiraya.
Kung pagbibigyan 'man ng panahon
Na ikaw ay muling makasama
Aking panalangin kay Bathala
Ang hiraya'y manawari
Kung aalipinin ng alaala
Ikaw ang pipiliing makasama
Kalangitan ay naniniwala
Mananatiling ikaw
Kung aalipinin ng alaala
Ikaw ang pipiliing makasama
Kalangitan ay naniniwala
Mananatiling ikaw, mananatiling ikaw
Mananatiling ikaw
Ang aking hiraya
Mananatiling ikaw
Ang aking hiraya

Curiosités sur la chanson Hiraya de Aria

Qui a composé la chanson “Hiraya” de Aria?
La chanson “Hiraya” de Aria a été composée par Adielle Moreno, Genred Arceno, Markus Halili.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Aria

Autres artistes de Heavy metal music