Baguio
Sa pook na 'to dito makikita
Bulaklak sa parang na nakahiga
Itinanim ng hangin dinilig siya ng ulan
Pinalago nang tuluyan nitong kalikasan
Mga bulaklak at mga halaman
Nakipaglaro sa hangin at ulan
Na nakikipag-usap sa araw at buwan
Laging nakatawa sa kalangitan
Ako'y nakaupo dito sa tuktok
Minamasdang mabuti ang lahat ng sulok
Hawak ko sa kamay ang isang bulaklak
Magagawa ba ng tao itong aking hawak
Ang tanda ng kagandahan
Bukambibig na aking minasmadan
Na kung sino man ang may magagawa
Ako'y tagasubaybay ng kanyang kakayahan