Balita [Special Collector's Edition]

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako

Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong di makalipad na sa hawlang ginto
May mga punong walang dahon mga pusong di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako

Mula ng makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ng munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako

Dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
Dati rati'y ang mga ibon sinlaya ng tao
Dati rati ay katahimikan
Ang musikang nagpapatulog sa mga batang
Walang muwang sa mundo

Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong kung inyong dadamhing kabilang sa inyo

Du-ol mga kaigsuunan ug paminaw kamo
Duna akoy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo
Ang mga istorya nga nagakahitabo
Sa banwang gisaad nato

Curiosités sur la chanson Balita [Special Collector's Edition] de Asin

Sur quels albums la chanson “Balita [Special Collector's Edition]” a-t-elle été lancée par Asin?
Asin a lancé la chanson sur les albums “Himig Ng Pag-ibig” en 1979 et “Masdan Mo Ang Kapaligiran” en 1994.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Asin

Autres artistes de