Mga Limot Na Bayani [Re-Issue Series]

Katawan niya'y hubad at siya'y nakapaa
Sa bukid at parang doon makikita
Magsasaka kung siya'y tagurian
Limot na bayani sa kabukiran
Asin ng lupa na pinagpala magsasaka

Ma-anggo ang amoy ng nasa tabi mo
Dahil sa pawis na natutuyo
Gusaling matataas kanyang itinayo
Limot na bayani sa pagawaan
Asin ng lupa na pinagpala manggagawa

Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga pinagpala

Maghapong nakatayo itong guro
Puyat sa mukha'y nababakas pa
Lalamuna'y tuyo sa pagtuturo
Limot na bayani sa paaralan
Asin ng lupa na pinagpala itong guro

Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga
Pinagpala pinagpala pinagpala

Curiosités sur la chanson Mga Limot Na Bayani [Re-Issue Series] de Asin

Quand la chanson “Mga Limot Na Bayani [Re-Issue Series]” a-t-elle été lancée par Asin?
La chanson Mga Limot Na Bayani [Re-Issue Series] a été lancée en 1978, sur l’album “Asin”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Asin

Autres artistes de