Papunta Pabalik
Mamayang gabi maglalakad
Nang nakangiti pauwi
Mga labing nagtagpo
Ang paligid ay dahan-dahang huminto
Tatlong daan animnapu't lima
Ulit-ulitin pa
Papunta pabalik
Nakatingin sa langit huwag kang aalis
Ang labis ko'ng hinihingi
Ay makapiling kang muli
Papunta pabalik sa piling mo
Ubos kaagad ang araw
Dapit-hapon na
At ayoko pang mauna
Mga sugat at galos
Walang naramdaman
O ang bilis
Tatlong daan animnapu't lima
Ulit-ulitin pa
Papunta pabalik
Nakatingin sa langit huwag kang aalis
Ang labis ko'ng hinihingi
Ay makapiling kang muli
Buo ang loob
Di na magdadalawang isip
May katiyakan sa ating munting tahanan
Buo ang loob
Di na magdadalawang isip
Iisa lamang ang uuwian
Tanging ikaw (ho)
Papunta pabalik
Nakatingin sa langit huwag kang aalis
Ang labis ko'ng hinihingi
Ay makapiling kang muli
Papunta pabalik
Di ko kayang umalis