ENTER STUNTMAN

Szackobe Kabro Sanchez

Kahit anong taas malulundag
Kahit anong tigas pababagsak
Kahit ilang tadyak
Kahit ilang sapak

Kahit ilang tinik malalakad
Kahit anong tibay mababasag
Kahit ilang laglag
Kahit i-bodybag

Gagawin niya ang lahat
Kahit sa presyong binabarat
Iindain anumang hirap
Basta may maiuwi sa anak

Anumang bali at sugat
Sa post-dated na bayad
Ganyan ang buhay
Araw-araw stunt!

Kahit ilang dipa pahahatak
Kahit anong lalim pabababad
Kahit ilang saksak
Kahit ilang ratrat

Kahit anong layo, liliparin
Kahit anong init, papasukin
Kahit ilang sadsad
Kahit ilang kaldag

Gagawin niya ang lahat
Kahit sa presyong binabarat
Iindain anumang hirap
Basta may maiuwi sa anak

Anumang bali at sugat
Sa post-dated na bayad
Ganyan ang buhay
Araw-araw stunt!

Ang buhay niyang salat
Balang-araw ay aangat
At ang mga nanghahamak
Isa-isang ilalaglag
At sila'y magbabayad
Sa mga hari ng stunt

Chansons les plus populaires [artist_preposition] BANDIDO

Autres artistes de Reggaeton