Yakap
Isang gabi ako'y pauwi
Nagkukumpulan ang mga tao
Kaya huminto sandali
May isang babaeng nakahandusay
Kahit tignan mo sa malayo
Iba na ang kanyang kulay
Sabi ng isang ale
Nanggaling daw sa itim na van
Bulong naman ng isang lalake
Siguro tulak yan
Ano kaya pangalan niya
May naghihintay kaya
Sa mga yakap niya at halik
Meron kayang nananabik
Ano kaya pangalan niya
Meron kayang umaasa na ngayong gabi
Sila'y magkakasamang muli
Lumipas ang ilang minuto
Nagsikonti ang mga tao
Meron namang malapit na presinto
Ba't wala pang pulis dito
Yung iba derederecho lang sa paglalakad
Ni hindi lumilingon
Na parang ordinaryo lang lahat
Sabi ng isang bata
Pangatalo na yan ngayong linggo
Umiiling ang isang mama
Ganyan talaga dito
Ano kaya pangalan niya
May naghihintay kaya
Sa mga yakap niya at halik
Meron kayang nananabik
Ano kaya pangalan niya
Meron kayang umaasa na ngayong gabi
Sila'y magkakasamang muli
Ano kaya pangalan niya
May naghihintay kaya
Sa mga yakap niya at halik
Meron kayang nananabik
Ano kaya pangalan niya
Meron kayang umaasa na ngayong gabi
Sila'y magkakasamang muli