Gaano kadalas ang minsan

George Canseco

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa akin sindalas ng walang wakas saglit mang magpisan
Dahil sa ganon paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib diba

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan

Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan

Curiosités sur la chanson Gaano kadalas ang minsan de Basil Valdez

Sur quels albums la chanson “Gaano kadalas ang minsan” a-t-elle été lancée par Basil Valdez?
Basil Valdez a lancé la chanson sur les albums “Hindi Kita Malilimutan” en 1994 et “The Best of Basil” en 2010.
Qui a composé la chanson “Gaano kadalas ang minsan” de Basil Valdez?
La chanson “Gaano kadalas ang minsan” de Basil Valdez a été composée par George Canseco.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Basil Valdez

Autres artistes de Asian pop