Iniibig Kita Buong Puso At Kaluluwa
Panginoon ko ikaw ang Hari
Dinggin ang awit ng papuri
Panginoon ko ikaw ang nagbibigay
Ng liwanag dito sa aking buhay
Kaya ngayon ay nasisilayan
Ang ganda nito at kahulugan
Ikaw ang sandigan kung mayro'ng kalungkutan
Ikaw ang pag-asa noon at kailan pa man
Lagi kang nariyan hindi ako nililisan
Sa aking puso ika'y nananahan
Nagpupuri ako sa iyo oh aking Ama (oh aking Ama)
Dinadakila ang pangalan mo sa t'wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
Panginoon ko sa iyo nagmumula
Ang mga natatanggap na biyaya
Basta't kasama ka 'di ako nangangamba
Salamat sa iyong mga pagpapala
Ikaw ang lakas kapag ako'y nanghihina
Sa mga kalaban ikaw ang aking sandata
Eto ang awit ko inaalay lang sa'yo
Ngayo'y naririnig ng buong mundo
Nagpupuri ako sa iyo oh aking Ama (oh aking Ama)
Dinadakila ang pangalan mo sa t'wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
Kung pagsubok man sa aki'y dumating
Sa tulong Mo ang lahat ng ito'y lilipas din
Nagpupuri ako sa iyo oh aking Ama (oh aking Ama)
Dinadakila ang pangalan Mo sa t'wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa (nagpupuri ako sa iyo)
Oh aking Ama
Dinadakila ang pangalan mo sa t'wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
Iniibig kita buong puso at kaluluwa