Pamaskong Anyaya

Norman Agatep

Maghintay sa pagsilang ng kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip siyang huwaran

Do'n sa silangan niya tanawin tuwina
Halimbawa ng payak na buhay
Ating iwasan ang pagnanasang lahat ay kamtin
Buhay niya ang mithiin
Papayapa ang mundo kung tayo'y magbago't

Maghintay sa pagsilang ng kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip siyang huwaran

Do'n sa silangan niya tanawin tuwina
Ang pasakit ng Kristong sumapit
Sa karukhaa'y nagmula magandang balita ng Diyos
Bugtong na anak ng Diyos
Hindi mo man mahigtan sarili'y ihanda't

Maghintay sa pagsilang ng kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip siyang huwaran

Kalimita'y nalulunod tayo sa rangya
Ng paghahanda sa araw ng sangnilikha
Kung babalik tayo sa pinagmulan niya
Higit na makabuluhan ang pagdiriwang

Maghintay sa pagsilang ng kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip siyang huwaran
Anyayahan sa puso't isip siyang huwaran
Huwaran

Curiosités sur la chanson Pamaskong Anyaya de Bukas Palad Music Ministry

Quand la chanson “Pamaskong Anyaya” a-t-elle été lancée par Bukas Palad Music Ministry?
La chanson Pamaskong Anyaya a été lancée en 1999, sur l’album “Pasko Na!”.
Qui a composé la chanson “Pamaskong Anyaya” de Bukas Palad Music Ministry?
La chanson “Pamaskong Anyaya” de Bukas Palad Music Ministry a été composée par Norman Agatep.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Bukas Palad Music Ministry

Autres artistes de Worship