Purihin ang Panginoon
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira,
Hipan ninyo ang trompeta.
1. Sa ating pagkabagabag, sa D’yos tayo’y tumawag.
Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas.
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira,
Hipan ninyo ang trompeta.
2. Ang pasaning mabigat sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan nang lubusan ng D’yos na Tagapagligtas.