Tahanan

Gino Torres

Tayong lahat mayro'ng hinahanap
Sa landas na ating tinatahak:
Pag-ibig kapayapaan pag-asang mauuwian

Pare-pareho'ng ating pinatutunguhan
'Sang tahanan tahanang makakanlungan
Pantay-pantay walang uri kulay o antas
Sa tahanan tahanang bukas kanino man

Panahon na para buksan ang puso't
Matagpuang do'n pala'y may isang tahanang
Walang pinipili walang pinagkakaitan
Panahon na ng pasko
Panahon nang buksan ang tahanan

Tayong lahat may dalang pangarap
Sa mundo na kapos sa paglingap
Pag-ibig kapayapaan pag-asang mahihimlayan

Pare-pareho ang ating nais madatnan
'Sang tahanan tahanan ng sangkatauhan
Pantay-pantay walang uri kulay o antas
Sa tahanan tahanang bukas kanino man

Panahon na para buksan ang puso't
Matagpuang do'n pala'y may isang tahanang
Walang pinipili walang pinagkakaitan
Panahon na ng pasko
Panahon nang buksan ang tahanan

Buksan nan'ng tahanan
Buksan na ang puso

Curiosités sur la chanson Tahanan de Bukas Palad Music Ministry

Qui a composé la chanson “Tahanan” de Bukas Palad Music Ministry?
La chanson “Tahanan” de Bukas Palad Music Ministry a été composée par Gino Torres.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Bukas Palad Music Ministry

Autres artistes de Worship