Galit

Bullet Dumas

Narinig na namin 'yan
Tatlong gabi na ang nakakaraan
Ganu'n pa rin
Hindi magkarinigan
Sabay ang humpas ng bibig
Saradong isipan
Kumakatok ang dibdib

Galit
Kahit sa harapan
Ng ignoranteng paslit
Walang matakbuhan
Nakakandado ang kapitbahay
Ang dati naming bahay
Hapag na ng impyerno
Maaari pa bang maging anghel ang anak ng demonyo

Galit
Ng ama sa ina
Galit
Ng anak sa ama
Galit
Ng magkakapatid
Galit
Umiikot na lang ang galit

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Bullet Dumas

Autres artistes de Asian pop