'Wag Kang Bibitaw

Cean Jr., Cezar Victor Madarang de Guzman Jr., GFAB

Unang-una
Hindi naman ito ang una
Ramdam ko na lumalayo ka
Sa tingin ng mata palagay kong lahat ay nagbago na

Minsan naisip ko lang mas mabuti kayang
Hindi ka nakilala mas mabuti kayang
Sa nakaraan 'di nagkamabutihan
Kung 'di rin naman 'to ang sa ‘ti'y nakalaan

At kung sakaling ika'y manlamig ang kamay
At ang yakap mo'y hindi na mahigpit
Tandaan mo na ikaw at ikaw pa rin
Ang pipiliin ko kahit hindi na madali

'Wag kang bibitaw
'Wag kang bibitaw
Hindi na lang kung 'di rin ikaw
'Wag kang bibitaw (aah ‘wag kang bibitaw)
'Wag kang bibitaw (aah ‘wag kang bibitaw)
Sana hindi na lang kung 'di rin ikaw
Aah…

Mahal, alam mo ba
Nakakatakot mang sabihin na
Alam ko na may nililihim ka
Pinikit ko na lang ang mata
Baka sakali na magbago pa

Magbago pa ang ihip ng hangin
Sa dami ng ating pinagdaanan
Sana magbalik pa ang dati
Sa nakaraan, bumalik ang nakaraang
Palaging mayro’ng oras sa 'ting nakalaan

At kung sakaling ika'y manlamig ang kamay
At ang yakap mo'y hindi na mahigpit
Tandaan mo na ikaw at ikaw pa rin
Ang pipiliin ko kahit hindi na madali

'Wag kang bibitaw
'Wag kang bibitaw
Hindi na lang kung 'di rin ikaw
'Wag kang bibitaw (aah ‘wag kang bibitaw)
'Wag kang bibitaw (aah ‘wag kang bibitaw)
Sana hindi na lang kung 'di rin ikaw
Aah…
'Wag kang bibitaw

Aah… ooh…
Aah… ooh…
Aah… ooh…
Aah… ooh…

At kung sakaling ika'y manlamig ang kamay
At ang yakap mo'y hindi na mahigpit
Tandaan mo na ikaw at ikaw pa rin
Ang pipiliin ko kahit hindi na madali
'Wag kang bibitaw

Autres artistes de Contemporary R&B