Buhay mo Buhay ko
Buhay mo buhay ko wari'y magkahawig
Sagana sa lungkot at luha't kaypait
Ligayang sandali ang bunga'y pighati
Sa duyan nagmula sa hukay uuwi
Ang tao'y kakambal ng dusa't himutok
Sa tawag ng tukso ang puso'y kay rupok
Ang buhay sa mundo hindi nagiiba
Buhay mo buhay ko ay iisa
Ang tao'y kakambal ng dusa't himutok
Sa tawag ng tukso ang puso'y kay rupok
Ang buhay sa mundo hindi nagiiba
Buhay mo buhay ko ay iisa