Tuliro

Nonoy Gallardo

Tuliro tuliro tuliro
May biglang kumislap sa mata ko
At nang sumayaw ang mga anghel
Sa 'king likuran
Nang sinulyapan
Ni minsan naman
Ewan ko nga ba
Bakit nag-iba puso'y bumaba
Nang nginitian

Kay bilis namang mabaliw
Kay bilis namang mabulagaan
Ng ganda ng buwan
Kay bilis namang matabunan
Ng ulap ang daan

Tuliro tuliro tuliro
May biglang sumiklot sa dibdib ko
At nagsumigaw bawat himaymay
Ng aking laman
Nang madampian sa saglit naman
Ewan ko nga ba
Kahit tapos na laging naron pa
Nang hinalikan

Kay bilis namang mabaliw
Kay bilis namang mabulagaan
Ng ganda ng buwan
Kay bilis namang matabunan
Ng ulap ang daan

Tuliro tuliro tuliro
May biglang sumiklot sa dibdib ko
At nagsumigaw bawat himaymay
Ng aking laman
Nang madampian sa saglit naman
Ewan ko nga ba
Kahit tapos na laging naron pa
Nang hinalikan

Kay bilis namang mabaliw
Kay bilis namang mabaliw

Curiosités sur la chanson Tuliro de Celeste Legaspi

Quand la chanson “Tuliro” a-t-elle été lancée par Celeste Legaspi?
La chanson Tuliro a été lancée en 2009, sur l’album “Ako at Si Celeste”.
Qui a composé la chanson “Tuliro” de Celeste Legaspi?
La chanson “Tuliro” de Celeste Legaspi a été composée par Nonoy Gallardo.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Celeste Legaspi

Autres artistes de Asian pop