Dahlia

Cesca

Kay ganda ng iyong ngiti
'Yan ang sabi niya sa 'kin ng makilala ka niya (hu)
Nagsimula sa pabiro na bigla ring nagkatotoo
Wala akong magawa kundi ang manood
Na para bang pelikula na 'di ko inasahan

'Di naririnig ng bida aking mga banat
'Di rin nagtagal ng kayo'y nagkasiraan wala kang kasalanan
Dahlia daldalan na naman ang ganap (hu)
'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba (hu)

Oh Dahlia (hu)
Oh pa'no malimot ang dating alaala
'Di ko nakita ang iyong mga sugat
'Di man lang nakinig at nabingi
'Di naman daw totoo ang mga pinangako sa iyo

Kung 'di mo lang siya nakapiling
Ako nalang daw sana pipiliin
Oo minahal natin
Nabulok sa kanyang pag-ibig
Dalawa pala tayong pinaglaruan

Kaya naman tayo ay nagsisisihan wala kang kasalanan (wala kang kasalanan)
Dahlia daldalan na naman ang ganap (hu)
'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba (hu)

Oh Dahlia (hu)
Oh pa'no malimot ang dating alaala
'Di ko nakita ang iyong mga sugat
'Di man lang nakinig at nabingi

'Sing ganda ng boses ko ang iyong mga mata (ah)
Kahit anong tingin niya sa akin ikaw ang nakikita (hu)
'Sing tamis ng pagtingin mo ang aking pagkanta (ah)
Kahit anong tingin niya sa 'yo ay ako ang nakikita (hu)

O ang sakit paumanhin na lang
Dahlia 'di natin sinadyang masaktan
Tayo'y bata pa noon
At 'di natin alam ganito pala ang dinulot ng pag-ibig niya
Iwanan ang sakit at kalimutan natin siya

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Cesca

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)