IKOT

Jordan Gregori, Shimei Pangan

Ohh
Pagbibigyan kita
Pagbibigyan kita
Kasi alam ko nang hindi na to possible
At hindi ko na rin 'to sa'yo itatanggi
Kaya wag ngang ulitin pa
Hindi na sasaya, sa paligid mo
Itigil na
Kasi 'yoko na mapahiya
Ako lang tumataya
Wag na nating pahirapan pa

Ako lang, ako lang
Tumaya sa pag-ibig mo
Di alam, Di alam
Kung ba't ba tayo nagkaganito

Kasi alam ko na hindi na to possible
Kahit na ilang beses mo pang tinatanggi
Pinahirapan mo, hiningi ang impossible
Isinantabi na tila ba walang silbi

Dahil sayo ako'y paikot ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Naligaw sa puso mong makipot

Pagbibigyan mo
Diba't yan ang sabi mo
Mga salitang nagpapaikot, ako'y nililito
Pagbibigyan mo
Ano ba ang gusto mo

Hindi makahinga
Tila nakasakal sa bagong mga pahina
Takot mapahiya, kahit di sinasadya

Dahil sayo ako'y paikot ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Naligaw sa puso mong makipot

Dahil sayo ako'y paikot ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Di na nagising sa bangungot

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Colt

Autres artistes de French rap