Dalawang Letra

Hindi ko malaman kung saan pupunta
Ang tono nitong kanta pababa pataas tumatalon talon
'Di maipaliwanag kung paano ba ang aking gagawin
Para ma-win
Para ma-win ko ang 'yong puso na kay hirap sungkitin
Magsisibak ng kahoy at ika'y pag-iigib
Lahat ng 'yong naisin ay handa akong i-give
Gagawin ko ang lahat baka sakaling sa wakas ay marinig

Yung dalawang letra yung isang salita
Na pinapangarap ko oh please sabihin mo na
Walang mga panga-pangako isa lang ang sigurado
Ang puso ko'y sa'yo sagutin mo lang ako ng
Oo woh
Oo woh
Sige na please wag mainis gusto ko lang ng matamis mong
Oo woh (oo subidoruwap dadada)

Buksan mo na buksan mo na ang 'yong bintana (buksan mo na ang 'yong bintana)
At dungawin ang humaharanang
May dala pang bulaklak at tsokolate
Nagbabakasakali na ngayong gabi ako ay swertehin
At 'di barilin (bing bing)
At 'di barilin ng 'yong tatay na nakaabang na rin
Liligawan ka sa bahay 'di idadaan sa text
Sasabihin ng 'yong nanay mas gusto ko siya sa ex mo
Sige na anak sabihin mo na ang nais niyang marinig

Na dalawang letra yung isang salita
Na pinapangarap ko oh please sabihin mo na
Walang mga panga-pangako isa lang ang sigurado
Ang puso ko'y sa'yo sagutin mo lang ako ng
Oo woh
Oo woh
Sige na please wag mainis gusto ko lang ng matamis mong
Oo woh

Ngunit nang makarating ako sa bahay ninyo
Nakita ko yung bestfriend ko na nakayakap sa'yo
Ako'y nagulat at nasabing matagal na ba itong nangyayari (matagal tagal na rin)
At ang sagot mo ay oo oo woh
Oo oo hu
'Lang hiya this anak ni Janice
Ayoko na ng matamis mong oo oo woh
I'm happy for you both
Joke lang yun ako'y yamot
Bahala na kayo
Sa'yo na yang matamis mong oo
Ayoko na sa'yo makakahanap din ako wooh

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Davey Langit

Autres artistes de Pinoy pop