NGSB - No Girlfriend Since Break

Pinupulot ko pa ang pira-piraso ng puso ko sa floor
Na iniwan mong nakakalat
When you walked out of my door
Oh unlimited pa rin ang luha
Hanggang ngayon hindi makapaniwalang
Wala na tayong dalawa ayaw mo na

Parang kahapon lang mula nung sabi mo sa'kin
Na kapag ako'y nawala sayo di mo kakayanin
Sabi mo ikamamatay mo
Bakit buhay ka pa may boyfriend pang bago
Kaya naman timeout na muna ako

Ayoko muna ng paparapappapa pag-ibig
Di pa ko ready para dun sa kilig ng
Paparapappapa pag-ibig
Di pa handa ang puso kong pumintig
Dahil ang makita kang nakamove on na oh
Di ko pa rin ma-take
Kaya naman ako'y no girlfriend since break

Pa pa
Ayoko muna ng babae lalong ayaw ko sa lalake
Oh ayoko muna nang nakatali (ayoko muna)
Ayoko munang magmadali
Kasi unfair dun sa magiging bago ko
Kapag hindi buo ang aking pusong
In love parin kasi sayo paano na 'to

Ayoko muna ng paparapappapa pag-ibig (para)
Di pa ko ready para dun sa kilig ng
Paparapappapa pag-ibig (para)
Di pa handa ang puso kong pumintig
Dahil ang makita kang nakamove on na oh
Di ko pa rin ma-take (di ko pa rin ma-take)
Kaya naman ako'y no girlfriend since break

Di ibig sabihin nito
Na di na makakahanap ng tulad mo o higit pa sayo
Kung ang puso ko'y nakamove on na dito
Who you ka sa akin (who you ka)
But until then let me say na

Ayoko muna ng paparapappapa pag-ibig (para)
Di pa ko ready para dun sa kilig ng
Paparapappapa pag-ibig (para)
Di pa handa ang puso kong pumintig
Dahil ang makita kang nakamove on na oh
Di ko pa rin ma-take (di ko pa rin ma-take)
Kaya naman ako'y no girlfriend (kaya naman kaya naman)
Kaya naman ako'y no girlfriend (kaya naman kaya naman)
Kaya naman ako'y no girlfriend since break

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Davey Langit

Autres artistes de Pinoy pop