Lapit [Alternative]

VINCENT FERDINAND DANCEL

Lapit ligtas ka na sa aking piling
Malayo sa gulo kaya’t buksan na ang pinto ng ‘yong puso
‘Di na ‘di mo na kailangang mag-isa
Tapos na ang lumbay kaya’t isara na ang bintana ng duda

Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
‘Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso iingatan ko

Lapit ligtas ka na sa aking piling
May karamay ka na sa hirap at ginhawa
Sa bawat luha’t tuwa
Halika ‘wag mabahala kung ika’y maligaw
Hayaan mo akong maging ilaw
Kandilang gabay mo sa dilim

Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
‘Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso iingatan ko

Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
‘Di magwawakas 'di magwawakas
Hindi magwawakas iingatan ko oh

Curiosités sur la chanson Lapit [Alternative] de Ebe Dancel

Qui a composé la chanson “Lapit [Alternative]” de Ebe Dancel?
La chanson “Lapit [Alternative]” de Ebe Dancel a été composée par VINCENT FERDINAND DANCEL.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Ebe Dancel

Autres artistes de Pop rock