Manatili
Manatili ka sana sa aking tabi
Hindi tiyak ang gabi hiling ko
Hawakan mo ang aking kamay
Hangad ko ang iyong gabay
Dasal ko ay
Manatili sana ay laging nariyan ka
Kung madapa, mawala, maligaw
Ikaw ang aking ilaw
Hangad ko ang iyong gabay
Dasal ko ay
Yakapin mo ako sa gitna ng gulo
Bigyan ng pahinga ang pagod na puso
Hilumin ang sugat
Ang nasasadlak iyong iangat
Dalangin ko'y
Manatili ka sana sa aking tabi
Kung ako'y magkamali, wag sukuan
Hanggat ito'y maitama
Hangad ko ang iyong gabay
Dasal ko ay
Yakapin mo ako sa gitna ng gulo
Bigyan ng pahinga ang pagod na puso
Hilumin ang sugat
Ang nasasadlak iyong iangat
Dalangin ko'y
Dalangin ko'y
Manatili ka sana sa aking tabi
Sa panahon ng kadiliman wag mo muna
sana akong iwan
Hangad ko ang iyong gabay
Sana ika'y
Manatili
Manatili