Kaya Ng Powers
Hoy
Hoy
Sa dami ng problema sa mundo
'Di mo ba naiisip ito
Sana nga may powers ka na lang
Para ang buhay gumaan
Bigla kang lilipad
'Pag trapik ang kalsada
Kusa kang aangat
'Pag binabaha na
Hindi nagugutom
O naiinitan
Lumalaban
Kahit walang tulugan
Kaya ng powers
Lahat ay kaya mo
Kaya ng powers
Lahat magagawa mo
Kaya ng powers
Walang aatrasan
Gamit ang powers
Para sa sanlibutan hoy
Sa mundo nating super gulo
Kailangan natin ang superhero
Na darating sa oras ng lagim
Hatid ay liwanag sa gitna ng dilim
O siya'y super lakas
Minsa'y imbisibol
Nagpapalit anyo
Bagay kinokontrol
Ngunit ang tunay na
Power na meron siya
Ay ang pag-ibig na
Nasa puso niya
Kaya ng powers
Lahat ay kaya mo
Kaya ng powers
Lahat magagawa mo
Kaya ng powers
Walang aatrasan
Gamit ang powers
Para sa sanlibutan
Ang powers na nandito sa 'kin
Hinding-hindi ko sasarilihin
Para sa iba para sa masa
Pambuong pamilya ang hatid kong saya
'Wag ka nang komuntra para bumongga
'Wag ka nang mag-ambisyong maging kontrabida
Kayong mga nagpapahirap sa buhay
Mga mata niyo lang ang walang latay
Sayang naman ang tinuro ni tatay
Kung 'di ko magagamit sa aking buhay
Ito ang aral niya na tunay
Ang mga naliligaw bigyang gabay
Lahat ay ituring pantay-pantay
Mahalaga ang boses, at lahat ng kulay
Itigil na natin ang mga away
Sumayaw tayo sabay-sabay
Kaya ng powers
Lahat ay kaya mo
Kaya ng powers
Lahat magagawa mo
Kaya ng powers
Walang aatrasan
Gamit ang powers
Para sa sanlibutan
Kaya ng powers
Lahat ay kaya mo
Kaya ng powers
Lahat magagawa mo
Kaya ng powers
Walang aatrasan
Gamit ang powers
Para sa sanlibutan hoy
Kaya ng powers mo (hoy hoy)
Kaya ng powers mo (hoy)