Tunay Na Ligaya

Di ko pansin ang kislap ng bituin
Pag kapiling ka sinta (kapiling ka sinta)
Kahit liwanag ng buwan sa gabi

Di ko masisinta
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko

Di ko pansin ang bango ng jasmin
Pag kapiling ka sinta (kapiling ka sinta)
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta (hindi sana)
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga tanging ikaw sinta

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga hapon kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

Di ko pansin ang bawat sandali
Pag kapiling ka sinta (kapiling ka sinta)
Bagyo't ulan kidlat o kulog man
Di napapansin sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga hapon kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga hapon kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga hapon kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga hapon kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo oh oh

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Enrique Gil

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)