Nais

Robert Calma, Erik Santos, Jonathan Manalo

Nais kong makarating
Sa dulo ng bahaghari
Kasama ka't tayo ay hihiling
Na sana ay mangyari

Masdan ang buwan
Humuhudyat ako para sa'yo
Dinggin ang hangin
Bumubulong ako oh

Sa'yo sa'yo ang puso ko
Walang takdang panahon ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Iyan lang ang panalangin ko

Nais kong maglakbay
Sa walang hanggang daan
'Di na baleng magpakalayo kayo't
Kasama ka naman

Dinggin ang tibok
Sumisigaw ako oh oh

Sa'yo sa'yo ang puso ko
Walang takdang panahon ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Iyan lang ang panalangin ko oh

Hindi ako magbabago oh
Sa'yo lang ako
Magsasama hanggang sa hangganan na walang dulo
Ang pangako

Sa'yo sa'yo ang puso ko
At sa lahat ng panahon ikaw ang susundin nito
Magpakailanman ang siyang nais
Iyan lang ang panalangin ko oh oh oh

Sa'yo sa'yo

Ikaw lang ang nais ko

Curiosités sur la chanson Nais de Erik Santos

Quand la chanson “Nais” a-t-elle été lancée par Erik Santos?
La chanson Nais a été lancée en 2018, sur l’album “Erik Santos 15”.
Qui a composé la chanson “Nais” de Erik Santos?
La chanson “Nais” de Erik Santos a été composée par Robert Calma, Erik Santos, Jonathan Manalo.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Erik Santos

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)