Limos
Aming tirahan ay sa lansangan
Bubong ay langit bangketa ang hinihigaan
Sa 'ming paggising ay di malaman
Ang tamang lunas sa tiyan naming kumalakam
May'ron pa bang pag-asa
May'ron pa bang ligaya
May'ron pa nga bang bukas
Ang tulad namin na makikita
Bakit kami ang kawawa
Bakit di pinagpala
Sana ay marinig naman
Hinihintay naming limos
Sa kapwa
Ulan at init ay di naming pansin
Damit na basa sa katawan tutuyuin
Mga basura ay hahalungkatin
Baka sakaling kami ay may'rong makain
May'ron pa bang pag-asa
May'ron pa bang ligaya
May'ron pa nga bang bukas
Ang tulad namin na makikita
Bakit kami ang kawawa
Bakit di pinagpala
Sana ay marinig naman
Hinihintay naming limos
Sa kapwa
May'ron pa bang pag-asa
May'ron pa bang ligaya
Mayroon pa nga bang bukas
Ang tulad namin na makikita
Bakit kami ang kawawa
Bakit di pinagpala
Sana ay marinig naman
Hinihintay naming limos
Sa kapwa