Yearly
Kada taon
May bagong rasyon kahit nagbabakasyon
Kada taon
Umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon
Kada taon
Umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon
Kada taon, lamon hindi 'yon nagkataon dapat
Ramdam niyo na
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
Pasalamat nga kayo kasi kahit papa'no
Nakabuo kami ng bagong eroplano
Tsaka mga plano, gamit ang tunog na makabago
Para makasabay ang mga tao
Garantisado, para kahit ilagay sa radyo
Panalo, kahit walang hurado
Malinaw na agad ang mataas ang grado
Malakas na tao, 'pag naglabas ng bago, woah
Sa sasabihin ko hindi ko gustong magyabang
Talagang gusto ko lang ipaalam
Hindi man malaman, ang gawa ko malamang
Mahihirapan ka bilangin kung ilan mag-aabang
Kasi 'di 'to matabang, malasa 'to
Walang kulang
Kaya malabo na 'di ka masarapan
Masanay ka na lang
Pero 'pag 'di ka pa rin nasiyahan, sige lang
'di na mahalaga 'yan
Basta kada taon, magpapaambon
Umasang walang patapon
Kada taon, parang dalagitang may dalaw
Malabong hindi magkaro'n
Kada taon maraming gustong magtanong
Kung pa'no kami nagkaro'n
Nag-abang kami sa pagkakataon
Sadya 'yon, hindi lang basta nagkataon
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
Honcho! 'Di kami bumibitaw ng matabang
Kasi madami ang nakaabang
Mga tengang kawali, tropa kunwari
Buhangin sa mata nakiilang
Basta kada taon, sa aming nasyon
Putok lagi bulkang Mayon
Hindi 'yon nagkakataon, sadya na 'yon, tsong
'Di ka dapat nagtatatanong
Basta pilit, pilit
Pilit may masilip kada birit namin
Para makahirit, kasi puro mahihilig mamuna
Uunahan na kita, naunahan na kita
'di mo ba 'yun napuna?
Kaya dapat sa'kin ang mata mo nakatitig
Mamatay sa kakaisip, maupo ka d'yan sa gilid
Sige, sirit na agad, baka ako'y masagad
Maunahan pa kita, matakot ka
'pag ako na ang namuna
Na sa'min ang saktong timpla
Tunog na wala sa iba
'Pag sa'min galing ang kanta
Kinakabisado nila nang 'di mo mahahalata
Kaya sinanay ko sa mga anay
Sarili kong bahay
Kahit pamamahay, sabay pang tumagay
Gano'n ko inalay, sarili ko
Bago ako humayahay
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
Sinabi ko na 'di ba dati pa
Wala 'yan sinong nauna
Mga unang nagturo o naunang mamuna
Sarap tsinelasin, oh siya sapatusan ko na
Kurap ang gusto, inirapan ko na
Umapir lang saglit, oh ayun namula
Inakala nilang bumaba na kami
(Bumaba na kami) paraan lang pala
Para kaming lumipad taas paangat
Kinakain ngatngat, sino mang makasalubong
'Di lang dapat anim ang pinapabanat
Madaming panglapat, kada hitang pinapaugong
At hindi lang mga bata ang pinapahanga
Kaya 'pag naghain, malaking malukong
'Di lang basta na tumunganga
Laging may panata
Dapat mapahanga may takdang pananong
Sa'min ang mga kantang, 'di mo inakalang
Umaalingawngaw sa magkabilaang tenga
Kahit ano mang tema, 'di na bagong pananaw
'Di na pwedeng mawala sa eksena
Kahit na ikulong o ikadena na
May kasamang murang malutong
Taon taon, laging uhaw palaging gutom
Kaya ngayon, alam mo na 'yun, pweeeh!
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
Wala ng panahon, para magtapon ng oras
Kung alam naman na 'di nagkataon
Kung pa'no bumaon sa pandinig ng masa
Sasabihin mo pa ba na patapon?
'Yung kaya kong kitain ng isang gabi lang
Ay kailangan mong ipasok ng buong taon, damn
Kahit natutulog ay sumasamsam
Kaya puro mga bitter ang nagdadam damn!
Instant na kasi 'pag sa'min nagmula
Laging pumapalo't humahataw sa takilya
Minsan lang kasi kung kami gumawa
Flawless shit 'Di kailangan ng masilya
Lahat na tuloy gusto kami na masira
Inggit lang kasi sa galaw na pambihira
Walang tumatalab, kahit sino ang manira
Pa'no sasabihin na mawawalan ng tira
Parang bigtime na addict 'to
'di mawawalan ng arit 'to
Bawal sumakay dito sa raket ko
Kami lang ang paangat dito
Kung taliwas ka sa'min, 'eto karit ko
Nakatutok na sa sintido
Bigay pugay sa mga iho
Para pwede kang sumalok sa aming gripo
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
'Wag kang magtaka, alam mo na 'yan
At 'di na dapat pinapaliwanag
Nung dumilim sa rap scene no'n
'Di ba isa kami sa nagpaliwanag?
Pagpasok pa lang lahat nawindang
'Di mapaliwanag ang mga pagmumukha
Pinagbabali namin mga maling akala
Nung humakot kami ng tiba-tiba, yah
Wala pang tinitira pero laging merong sugat
Silang mga galit para sa amin merong sulat
Parang nanliligaw lang
Laging sabik na makausad
Habang kami pakape-kape, hindi sila kausap
Ang gusto kong sabihin lang
Kahit nakatikom ang bibig ay meron ng sinabi
Nauna ka sa pila, eh ano ang paki ko
Kami naman pinipilahan nang madami
Markang iiwan ay masasabi na
Mala-sapok ni Joe Frazier
Yow haymaker, mayabang mang sabihin
Pero kami 'yung kahulugan na
Salita na hitmaker, uhh
'Di matatanggi malabong mabura
Gamitin 'sangkatutak man na eraser
Rest stay there
'wag niyo nang piliting lumabas kami
Bilang mga dissmaker
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon hindi na mabubura 'yon
Kada taon
May bagong rasyon kahit nagbabakasyon
Kada taon
Umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon
Kada taon
Umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon
Kada taon, lamon hindi 'yon nagkataon dapat
Ramdam niyo na
Hanggang ngayon, hinding-hindi niyo makakaila
(Hey)
Na kung 'di dahil sa'min ay pa'no na, ahh
Pangalan namin ay malabong mabura
Hola, hola, hola, cut that singing shit, ExB!
Pa'no na lang pala kung 'di kami lumabas
Pa'no kung 'yung mga kanta
Namin ay 'di malakas
Pa'no na lang pala kung 'di kami magaling
Eh 'di sana, 'di niyo kami titingalain
'Di naming kasalanan
Kung ba't 'di na kayo mabenta
Nung panahong anihan na, saka kayo tumengga
Kaya 'yung mga kanta niyo
Wala na sa bangketa
Amining masakit na wala na kayong kwenta
(Ouch) hindi niyo kayang tanggalin 'yung
Kabitera niyo sa'min kaya 'di kami malaos
Matagal na po kayong tapos tabi mga boss
Panahon 'to ng ExB at ni D'Sauce (Bibeh)
Saludo sa mga lokal na nasa taas
Na hindi tayo
Titigil hanggang mas lumakas pa
Pero do'n sa mga pikon na wack
May pag-asa pa kayo na tigilan ang rap, ha
(Tap na)