Unli
Ngayon palang magpapaumanhin nako
Kasi baka ulo nyo masira ko
Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako
Makinig kayo bihira to
Madalas na marinig sa kanta napakilig
Kasi malikot ang diwa ko
Iba yung pinapakita ko para 'di nila makita na may tira ako
'Di nakita nyo madulas ang dila ko kaya kapag pumitik klaro
Kung usapang linya naman ay mabisa kaya gusto nila makabisado (bleeeh)
Di man ako magaling kumanta pero hindi to pipiyok kase nag tisa ako
Pag ako sumargo kalat sigurado kahit lapis lamang ang gawing tako
Buti na nga lang naka ngiti pa 'ko kahit andami na nilang mga ngiting aso
Inaasinta ako kaso di sila asintado kaya 'di ako apektado
Iba magisip kasi laking kanto pa patol lang ako kapag kikita ako
Kaya minsan lang ako maging gago pag yung kabaliwan ko binisita ko
Kung usapang multi mabuti nalang naparito ka halika papakita ko
Dami ko kasing itinabing bago kung susumahin siguro animnapung sako
Tsaka balita ko galing sa bibig nyo madali kamo osige gawin nga 'to pag hindi nyo
Nagawa ay para nyo naring inaming 'di nyo kaya na itumba ako
Nasa top ng mga flip hindi marunong magdamit inuuna yung salawal sa brief
Lahat galing galingan at baliw baliwan para mapansin ulit pag 'di na sila click
Mga barbero na hindi marunong mag gupit dinadaan na sa kulit para masabing malupit
Pare-pareho na yung trip para san yung mga barang masakit
Bibilib lang ako 'pag nailapat nyo sa beat
Madaming magagalit diyan pero bago makalapit matik yan
Punit-punit kaya nagagalit yan walang avid fan at wala ring fans sa piso net
Kitang kita na naman yung difference sa kanila pag kami gumawa hindi pilit
Tas kung sino pa yung mga silhoutte nagpapanggap na matigas pero galawang impotent
Pero yung mga legit nakakasama ko sa pic kase nakakasama ko sila sa gig
At yung mga naiingit hindi sila makadikit kase hindi nila maamin na nabibilib
Kaso halata na kid mga galaw na weak hinding-hindi kayo masasagip
Sa makatuwid may pag-asa lang sila makatawid pag yung pangalan ay kung saan saan ikakabit
Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib alam kong hindi nyo 'to inexpect
Inakala nyong gawa ng intsek kaya wala kayong ideyang ganito kalintik
Kahit na sa mga liblib kumakalat ang pangalan namin na binitbit
Habang yung mga gumigitgit ay nakakalat kaya minsan parang ang sarap nila iligpit
Puro parining kala nyo diko naririnig madalas kasi hindi nalang ako umiimik
Matagal na panahon ko ng gustong mangalabit kaso iniisip ko may bata na nakikinig
Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit unlimited kahit yung bawat titik ay hindi tinitipid nagdidikit-dikit
Ngayon mag-iisip ka kung bat ganto ako mag-isip hindi nagigipit
At kahit na naka pikit naka dilat o tirik man ang mata wala kana masisilip na icorrect
Isipin mo nalang kung pano ko sinet tahi tahi yung salita
Parang napunit na damit ito na yung katotohanang masakit na
Nung kami umentra yung mga bida ay naging extra
Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa yung eto ebidensya ang laki ng diperensya