CONSUELO
Sa maghapong kayod kalabaw
Pagod na pagod ka't uhaw na uhaw
Ang lakas mo'y ubos na ubos
At sahod ay laging kapos na kapos
Kailangan mo ng konswelo,
Konswelo, konswelo pagdating ng gabi
Kailangang makipagkwentuhan,
Huntahan sa tindahan diyan sa tabi
Sa ilalim ng mga bituin
Pantulak na awit, pulutang usapin
Sa tindahang munti ni Anding
Tambayan ni Cosme at Kapitan Fermin
Kailangan mo ng konswelo
Konswelo, konswelo pagdating ng gabi
Kailangang makipagkantahan,
Alaskahan sa tindahan diyan sa tabi
Pag nadadaig na ng antok
Ang kati at kirot ng kagat ng lamok
Tumatalab na ang bawat lagok
At nanunuot sa dibdib ang lungkot
Kailangan kita O Consuelo
Consuelo, Consuelo sa lamig ng gabi
Kailangan ko ng kalamay,
Karamay sa tinapay at mainit na kape