Panata't Pag-Ibig
Ang ating pagsinta'y wala sa kalawakan
Ako ay di araw ikaw ay di ang buwan
Ang ating pag-ibig wala sa alapaap
Di sa himpapawid at mga ulap
Sa gitna ng agam-agam
Sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan
Itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib
Sa panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating
Panata't pag-ibig
Ikaw ay apoy at ako ay hangin
Alab at lamig sa liwanag at dilim
Tayo'y mga punong matayog ang pangarap
Ngunit sa lupa'y laging nakaugat
O pawis at dugo
Ang magpapalago
Sa ating pagsuyo
Sa gitna ng agam-agam
Sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan
Itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib
Sa panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating
Panata't pag-ibig
Kung paano magsasanip ang dalawa nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating
Panata't pag-ibig