Ipagpatuloy Mo Galing Ng Pilipino

Mula pa man noon
Saksi ang kasaysayan
Galing 'di maitatangging taglay
Lungkot at hinagpis
Patuloy mong tiniis
Sa ibang bansa'y iyong pinag-husayan

Ano man ang pag-daanan
Kahit na anong hidwaan
Tatapusin ng panalo
Ang lahat ng laban
Yan ang Pilipino (Pilipino)

Ipagpatuloy mo galing ng Pilipino
Galing ng ating lahi nasa palad mo
Ipagpatuloy mo galing ng Pilipino
Galing mong natatangi pag-yamanin mo
Oh oh oh
Angking galing ipagpatuloy mo

Angking galing ipagpatuloy mo
Angking galing ipagpatuloy mo
Angking galing ipagpatuloy mo

Kaya hanggang ngayon
Ano mang larangan
Lagi mong pinag-tatagumpayan
Galing na 'yong taglay
Sipag at karunungan
Ating taas noong pag-iingatan

Ano man ang pag-daanan
Kahit na anong hidwaan
Tatapusin ng panalo
Ang lahat ng laban
'Yan ang Pilipino (Pilipino)

Ipagpatuloy mo galing ng Pilipino
Galing ng ating lahi nasa palad mo
Ipagpatuloy mo galing ng Pilipino
Galing mong natatangi pag-yamanin mo
Oh oh oh
Angking galing ipagpatuloy mo

Angking galing ipagpatuloy mo
Angking galing ipagpatuloy mo
Angking galing ipagpatuloy mo
Angking galing ipagpatuloy mo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Gary Valenciano

Autres artistes de Religious