Kung Tayo'y Magkakalayo

Kung tayo'y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
Kung tayo'y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako'y malayo na

Aking nadarama pagsasama nating 'di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig
Kung tayo'y magkakalayo
Mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko sa buhay mo

Aking nadarama pagsasama nating 'di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig
Kung tayo'y magkakalayo
Tanging iisipin ko'y
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama

Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo

Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na wooh
Kahit ika'y malayo na

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Gary Valenciano

Autres artistes de Religious