As In
Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo
Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, 'di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, 'di sana magulo ang bayan ko
CHORUS
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
Ang gulo
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong 'sang kaibigan, isipin mong siya'y may puso rin katulad mo
CHORUS
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo) sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos) sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo) sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino) ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo