Go Bwoi

Ghetto Gecko

Simula palang lahat ng to hindi pa finale, di pa kampante ang utak pag la pang perang madami
Ibang iba tinahak kumpara mo saking kaklase, hindi mo na ko madale hindi na ko gaya dati

Balang araw lilipad parang kalapati, dama mo saking enerhiya alam mong ibang klase
Sariling katauhan ko ako lang may ari, di mo pwedeng ikumpara di mo alam saan yari yeah
Sinisiga kapalaran dinadaya fuck you mean, ako’y malaya di ako pangkaraniwan parang maya

Spittin fayah sa mukha ng mga baboy at buwaya
Lahat yan may sungay, balian ng sungay
Di ka sigurado, lahat yan may sungay
Tinatagong kulay, boring lang sa buhay gustong maglibang, gustong maglibang
Lahat yan may sungay, lahat yan may sungay yeah

Ayos lang din masawi, sumusuway noon pag sinabihang wag magpagabi
Noong bata pa ko gusto kong magmadali, ngayon ang daming isipin hindi mapakali
Masyado nang malayo pano pa ko uuwi, ayoko lang masayang aking bawat sandali
Sawa na at pagod na rin ako kakahikbi, sagana lang yung isip sa pagtataka

Gusto kong masagot bago pa ko mabura (mabura), hindi to sinungaling tignan mo ko sa mata
Handa ka ba na malimutan ka nila
Yeah, bago dumating magkukulong ako sa kwarto tapos smoke
Aye, malayo ang tinatanaw sa langit nakascope
Iwan lahat sila lalo pag akoy nasa zone di ko hinayaan ang sarili makahon, wag mo na pigilan ang sarili tumalon

Parang panaginip di ko lubos na maisip
Seryoso lang sa buhay mga tao sobrang init, di na sa pinto pa ng iba ko maiipit
Kita sa labasan araw araw bumibirit, bigla nalang nagbago pangyayari pati ihip
Mahiwagang butas ay nasilip, di nyo mahulaan lahat sirit, nagdudugo ma utak sumisirit
Sakupin ang mundo yeah f**k i mean it, nakatingin ka di mo man aminin
Nakaabang ka rin sa sasabihin, musika ang kausapin para ako’y makapiling

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Ghetto Gecko

Autres artistes de Asian hip hop