Dito Sa Aking Mundo

Bakit hindi mapansin ang damdamin ng bawat katulad ko
Bakit hindi marinig ang pagsamo't hikbi nitong puso ko
Di ko hangad maganap maangkin ko ang lahat
Tanging nais ko'y pang-unawa na kailanma'y walang wakas
Ang mundo kong nagisnan ay mundo nang hangari'y magkaisa
Akbay-akbay ang lahat sa hikbi lungkot man o maging saya
Dito'y di mag-iisa lagi kang may kasama
Ang mundong ito'y paraiso ng puso na may kaluluwa
Dito sa aking mundo'y may pag-asa ang pangarap
Dito sa aking mundo'y walang api walang mahirap
At kung ito'y kukunin pa anong silbi at halaga
Ng buhay kong ito na alay ko sa kanila
Dito sa aking mundo'y hinding-hindi maaaglahi
Dito sa aking mundo'y pag-ibig ang laging sukli
Pantay-pantay ang sinuman sa puso at karapatan
Hanggang kamatayan mundong ito'y di ko iiwan

Hanggang kamatayan aking susumpaan maging kailanpaman
Ang mundong ito'y di ko iiwan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Glaiza De Castro

Autres artistes de