44

Aristotle Pollisco

Ikaw nanaman, diba kalalabas mo lang?
Kung magsulat ka ng kanta laging binibilisan lang
Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
Di naman super lolo pero bakit sumasabog?
Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog
Pinag manhik manaog, ibang klaseng tagalog
Parang altapresyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag-salok
Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang Aba Ka Da
E Ga Ha I La Ma Na Nga O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
Kung di makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada, Mama para
Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas
Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
Sino ang magaling palaging sumisigaw
Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
O kandilang tunaw, o itak na bingaw
Pagpinagsama natin ang mga yan, oo ikaw!
Matagal-tagal narin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko, nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo, di na bagong kabisado na tula to
Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo?
Bawat CDng nabenta mo wala pang limampiso
Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo
Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig, sila ang sumatutal
Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap
Yan ay hindi patapon
Ilabas mo sa kahon
Mga letrang mamantika
malasa pa sa Hamon
hayaang Ipasa ko sayo ang pagkakataong
Masabi ang mga saloobin
Simula pa non
Ikaw naman!

Curiosités sur la chanson 44 de Gloc-9

Qui a composé la chanson “44” de Gloc-9?
La chanson “44” de Gloc-9 a été composée par Aristotle Pollisco.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Gloc-9

Autres artistes de Film score