Ano Sa Tingin Mo?

Aristotle Pollisco

Hoy Gloc 9!!! Hoy ano sa tingin mo
Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari ‘to
Ang pag-uusap nang pinakamalupet sa mikropono
May sasabihin ako pero atin-atin lang ‘to

Hoy Loonie!!! Hoy ano sa tingin mo
Ano sa tingin ko baka di nila kayanin ‘to
Dalawang dila na magsing talas halika pakinggan mo
Para maintindihan mo kung bakit laging gan'to

Alam mo tol matagal ko nang gustong itanong
Bakit ang musika nati'y laging nasa labas nang bubong
Kahit napakarami ang nagsasabi na you’re da best
Bakit di ka namin nakikita sa october fest

Baka barado lang nang plema
Saradong mga tenga, teka
Kailan pa nga ba magbabago ang sistema
Na bulok at parang meron nakabalot na eczema
Ginagago ang mga nag tatalog sa eksena

Aaminin ko marami talaga ang di pulido
At nagmumukang gago pag humahawak ng mikropono
Meron pang disipolo, maangas at matipuno
Pakinggan mo ang awit niya, bakit parang hindi puno

Hindi puno kasi walang laman ang mga kukote
Ang utak ay puro lupa, na parang bakanteng lote
Puro putik at burak pwede taniman ng kamote
Nung umulan ng katalinuhan sila yung naka kapote

Di pinapatugtog ang awit kapag hindi ingles
Kahit na tunog kanluran, bakit nakaka depress yes
Alam na nila kung sino ang tinutukoy
Kasi may mga awit ng malambot pa sa okoy
And nasan kanilang playlist, pero bakit tunog luma kanilang laylist
Walang pananampalataya parang athiest
Hindi na kanilang sabihin ang alias, were the craziest

Sagana sa kalokohan, kapos sa katinuan
Pero seryoso na ako tapos na nag biruan
Kamusta na si juan tamad na sa baya basan
Kahit baliktarin ganun parin nasa baya basan

Wala na bang ibang mga panibagong paksa
Puro nlng ba sa ating mga paralisadong bansa
Pinamumugaran ng mga buwaya at alimangong bakla
Kaya industriya ng musika siguradong plakda

Kung wala kang pangmasa, wag ka na magbasa
Kahit anong galing mo wala kang pag-asa

Na parang ang buhay mo’y tinaningan ng doktor
Na di naman nakapag aral isa lamang impostor

Mga mapag balatkayo, lahat kayo ay tutumba
At kahit na magmumog ka wala ka parin ibubuga

Sino ka? Oo nga pala kilala na kita
Pwede mo ba akong tulungan sige idol na kita

Hoy!! Wag ka na lumapit, wag ka na magtanong kung bakit
Istilo mo ay mas laos pa sa maong na jacket

Na mabaho at ginamit ng sandamukal na panget
Bato bato sa langit ang tamaa'y wag magalit

Galing ng dila ay doble, bokabularyo at palarila
Tagalog o ingles sasampalin ka ng magkabila

Matatapos na kami ako ang nasa huli
Pero wag ka magalala dahil eto na track 3 Next!

Curiosités sur la chanson Ano Sa Tingin Mo? de Gloc-9

Sur quels albums la chanson “Ano Sa Tingin Mo?” a-t-elle été lancée par Gloc-9?
Gloc-9 a lancé la chanson sur les albums “Limang Kanta Lang” en 2006 et “Limang Kanta Lang - EP” en 2006.
Qui a composé la chanson “Ano Sa Tingin Mo?” de Gloc-9?
La chanson “Ano Sa Tingin Mo?” de Gloc-9 a été composée par Aristotle Pollisco.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Gloc-9

Autres artistes de Film score