Kislap
[Chorus: Ice]
Kislap ng mga ilaw
Sigaw at palakpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit ...
[Verse: Gloc-9]
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy
Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi
Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi
Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran
Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan
Mula una hanggang sa ika-anim na baitang
Lubid ng aking trumpong nakatali sa'king baywang
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy
'Di mamahalin ang damit, simula sa umpisa
At ang aking pantalon ay 'di limang daan at isa
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nag-iisa, nag-iisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawang nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
[Chorus: Ice]
Kislap ng mga ilaw
Sigaw at palakpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit ...
[Verse: Gloc-9]
Ibalik mo ako sa mga araw na
Nakadungaw sa bintana, sige mangarap ka
Mag-rap ka nga dito sa binta, 'Ris bumanat ka
Baka mahulog ka sa jeep
Pare humawak ka
Ibalik mo ako sa araw na ako'y dinugas
Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas
Ng pinggan sa iba't ibang restaurant
Dun mo subukang mag-apply
Pare da' best daw dyan
Lampas sa minimum ang sweldo
Libre ka pa sa kain
Di pwedeng pansustentong
Hindi malayong hikain
Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera
Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera
Ng mga manggagawang Pinoy
May among mayamang Tsinoy
Gusto kong bumalik sa mga panahon noong ako'y
Nananalanging palarin, mga adhikai'y makain
Malupit na makata kung tawagin
Paborito kahit di taga-samin
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nag-iisa, nag-iisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
[Chorus: Ice]
Kislap ng mga ilaw
Sigaw at palakpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit ...
Kislap ng mga ilaw
Sigaw at palakpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka 'di na maulit ...
[Outro: Gloc-9]
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka
At makausap ...