Buni
Kinamot ang kanyang buni
Kinamot ang kanyang buni
Sarap kamutin ang buni nya sa hita nya
Lalo't sariwa pa at mamasamasa pa
Sige na kamutin mo pa ang buni mo sa singet mo
Lalo't ito'y naninilot at makate
Namaga ang kanyang buni
Namaga ang kanyang buni
Magang-maga ang buni n'ya sa hita n'ya
Hindi na s'ya makatayo makahiga
Hindi na s'ya makalakad dahil
Magang-maga na ang buni n'yang sobrang kati
Nagnana ang kanyang buni
Nagnana ang kanyang buni
May mata pa ang buni n'ya sa hita n'ya
Nagmukha tuloy itong bulkan nang ito ay mapisa
Umagos ang dugo sige pare pisain mo pa
Itong buni mong tinubuan ng maraming nana
Inoperahan ang kanyang buni
Inoperahan ang kanyang buni
Pinag-aralan ng mga doktor ang buni n'ya
Ito'y masusing kinalikot ng mga dalubhasang
Espesyalista ay nangangayaw na sa kan'ya
Ang buni n'yang nagpapahirap sa kan'ya
Nagcancer ang kanyang buni
Nagcancer ang kanyang buni
Wala ng pag-asa ang buni n'ya sa hita n'ya
Talamak na daw ito may taning na ang buhay n'ya
Surrender na ang ospital taas na ang kamay nila
Sa buni mong masarap at makati
Patay na s'ya dahil sa kanyang buni
Patay na s'ya dahil sa kanyang buni
Lalamay ka ba sa kaibigan mong namatay sa buni
Sige na pare maawa ka kahit ka muna magkape
Sige na mag-abuloy ka kahit magkano na lang pare
Kawawa naman ang kaibigan mong namatay sa buni
Ikaw ay mayro'ng buni
Ako wala akong buni
Kaya tayo mag-ingat sa buni